Kasaysayan ng Microsoft Windows
Ang Microsoft Windows, noong una, ay isang hanay ng mga graphical user interface at operating environment para sa mga kompyuter na IBM, at iba pang mga kahalintulad na kompyuter na tumatakbo sa ilalim ng MS-DOS, at, matapos ng pagkakalabas ng Windows NT 3.1, ang pinakauna nitong ganap na operating system noong Hulyo 27, 1993[1], isa na rin itong hanay ng mga OS. Sa kasalukuyan, ito ang pinakakilala, pinakamabenta, at pinakaginagamit sa buong mundo[2] hindi lamang sa mga tahanan at tanggapan kundi pati rin sa mga serbidor; ito ay noon pang 2005.[3]
Bersyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Silipin din: Paghahambing at Talaan ng mga bersyon ng Microsoft Windows
- Silipin din: Windows 1.0x
Nagsimula ang Microsoft Windows noong Nobyembre 20, 1985 nang inilabas nito ang pinakauna nitong bersyon: ang Windows 1.0. Itinatampok sa Windows 1.0 ang kakayahan nitong magpatakbo ng mga programa nang sabay-sabay sa ilalim ng graphical user interface, isang bagay na lubhang nagpapadali ng trabaho; pareho ng mga kakayahang ito ay hindi kayang gawin ng karamihan ng mga batay sa DOS na opreating system. Hindi nito kayang pagpatu-patungin ang mga dungawan,[4] kakaunti lamang ang mga programang sumusuporta rito, at mahina ang benta nito.[5] Idinisenyo ang Windows 1.0 upang making kagaya ng Mac OS, na nagbunga naman ng pagsasakdal ng Apple Inc., ang kompanyang gumawa ng Mac OS, laban sa Microsoft dahil sa sinasabing paglabag nito sa karapatang-aring nagbunga ng USD 5 bilyong pagkalugi ng Apple;[6] at dahil doon napigilan ang Microsoft sa pagdaragdag ng ilang kagamitan sa Windows.[7]
Sa parehong taon ng 1985, inilabas ng Microsoft, ang Windows 1.02, isang bersyon ng Windows na kagayang-kagaya ng Windows 1.0 ngunit isinalin sa ilang wikang Europeo kagaya ng Aleman, habang ang edisyong Pranses naman nito ay inilabas noong Pebrero 1985.[8] Noong Agosto 29, 1986, inilabas ng Microsoft ang Windows 1.03, isa ring bersyong kagayang-kagaya ng Windows 1.0 ngunit mayroong dagdag na suporta para sa hardwer, kagaya ng maramihang mga panlimbag, font, kagaya ng Times New Roman, at iba pa. At bilang isang pag-aayos sa mga kamailan ng 3.0, sunod namang inilabas ng Microsoft ang Windows 4.0 noong Abril 1987.
- Silipin din: Windows 2.x
Noong Disyembre 9, 1987,[9] inilabas ng Microsoft ang Windows 2.0 bilang ikalawang bersyon ng Microsoft Windows. Itinatampok sa bersyong ito ang mas malaking paggawa, suporta sa hardwer, nagpapatung-patong na mga dungawan, mas mabuting pamamahala ng alaala, mga dragdag na tuwirang daang pantipaan, at iba pa. Ginawa ang operating system na ito para sa Intel 80386, at hindi kagaya ng naunang bersyon,[10] marami nang programang ginawa at/o sumusuporta para rito. Ngunit kagaya ng naunang bersyon, isa lamang itong operating environment, at nagsakdal ang Apple Inc. muli sa Microsoft dahil sa sinasabing paglabag sa karapatang-aring matatagpuan sa Windows 2.0; bagaman mas saunahin ang Windows 2.0 kung ihahambing sa Mac OS.[11][12][13] Sunod namang inilabas ng Microsoft ang Windows 2.03 bilang isang pagpapalawig pa ng mga kakayahan ng Windows 2.0 sa pagtakbo sa Intel 80386.
Noong Mayo 27, 1987, inilabas ang Windows 2.1, isang dinagdagang bersyon ng Windows 2.03 na naglalayong gumamit ng pinalawig na alaala. Bukod pa rito, mayroon din itong mas malawak na suporta sa hardwer. Noong Marso 13, 1989, inilabas naman ng Microsoft ang Windows 2.11. Irinaragdag dito ang mas maayos pagluluklok, mas mabilis na paglilimbag, at suporta sa hanggang 512 KB ng alaala.
- Silipin din: Windows 3.0
Noong Mayo 22, 1990, inilabas ng Microsoft ang Windows 3.0. Itinatampok sa bersyong ito ang kakayahan nitong gumamit ng hanggang 640 KB ng alaala[14] lalo na sa mga Intel 80286 at 80386,[15] at 16 MB naman kung nasa tumatakbo sa ilalim ng 16-bit; ang kakayahan nitong ito sa alaala ay lubhang makabago sa panahong iyon.[16][17] Bukod pa rito, nagmamay-ari ito ng isang napakamakabagong grapikang, para sa panahon na iyon, sumusuporta ng 16 na kulay sa VGA. Sa mga programa naman nito, naglalaman ito ng isang pinabuting pampamahala ng mga talaksan at panlimbag, at kayang magpatakbo ng mga programa ng MS-DOS nang sabay-sabay. Bilang pinakamabago sa lahat, malawak ang suporta nito para sa mouse kaya hindi na ito nangangailangan pang gamitan palagi ng mga utos sa MS-DOS, at lubhang nagpadali ito sa trabaho.[18][19]
Noong Oktubre 1991 naman, inilabas ng Microsoft ang Windows 3.0a, isang maliit na pagsasaayos sa mga nilalaman ng Windows 3.0, kagaya ng Himem.sys, at ang Windows 3.0 with Multimedia Extension, isang maliit na dagdag sa kakayahan ng Windows 3.0 sa larangan ng midya. Kasama sa bersyong ito ang pinakaunang Windows Media Player at Sound Recorder, at iba pang mga suportang pangmidya.
- Silipin din: Windows 3.1x at NT 3.1
Noong Abril 6, 1992, inilabas ng Microsoft ang Windows 3.1 bilang kapalit ng Windows 3.0. Ang mga bago rito ay ang dagdag na suporta nito para sa True Type ng Apple Inc., pagkakaroon ng sarili nitong antivirus na Microsoft Anti-Virus, at Windows Registry, mga programa at suportang pangmidya at laptop, at iba pa.[20] Gumagamit ito ng graphical user interface na kagaya ng sa Windows 3.0, at nagtatampok din ng suporta para sa mga programa niyon. Wala na itong totoong kaparaanan kaya hindi na ito tumatakbo sa mga Intel 8086.[21] Nilalaman din sa bersyong ito ang temang "Hot Dog Stand", isang tema ng mga nagsasalungatang kulay, na siya namang ikinukutiya angkin daw na kapangitan.[22][23] Noong Oktubre 1, 1992, inilabas ang Windows for Workgroups 3.1, isang edisyon ng Windows 3.1 na naglalaman ng mas pinabuting paglalambat-lambat.[24] Bilang isa ring pagpapabuti ng mga bahaging matatagpuan na sa Windows 3.1,[25] inilabas ng Microsoft ang Windows 3.11 noong Disyembre 31, 1993; walang mga bagong kagamitan ito.[26] Kagaya ng Windows 3.1, nilabasan din ng panlambat-lambat na edisyon nito ang Windows 3.11 noong Nobyembre 1, 1993; ito ang Windows for Workgroups 3.11, na mas maraming kagamitang panlambat-lambat kaysa sa Windows for Workgroups 3.1.[27][28][29][30][31][32]
Sa kabilang panig naman ng hanay ng Windows, inilabas ng Microsoft ang Windows NT 3.1 bilang pinakaunang bersyon ng Windows NT, pinakaunang bersyon ng Windows na 32-bit at isang ganap na operating system,[33], noong Hulyo 27, 1993. Ito ay ginawa para sa mga tanggapan bilang isang tagapamahala ng LAN.[34] Ang GUIng ginagamit nito ay kagayang-kagaya ng sa Windows 3.1.[35] Ngunit hindi kagaya ng Windows 3.1, hindi ito naging gaanong mabenta at ilang hardwer lamang ang sinusuportahan nito.[36][37]
Sa panig mula ng mga pantahanang bersyon ng Windows, inilabas ng Microsoft ang Windows 3.2, ang bersyong Tsinong Ipinapayak ng Windows na batay sa Windows 3.1[38] na sinang-ayunan ng bansang pinagpadalhan, sa Republikang Popular ng Tsina noong Enero 1993[39] habang maaari rin itong makuha bilang isang libreng pandagdag ng mga nagmamay-ari ng Tsinong bersyon ng Windows 3.1.[40][41] Nagtatampok ang bersyong ito ng 10 paraan upang makapagpasok ng mga Tsinong titik, isang pagpapahirap sa teknolohiya dahil sa pagkakomplekado ng mga titik na iyon.[42]
- Silipin din: Windows NT 3.5 at 3.51
Noong Setyembre 21, 1994, inilabas ng Microsoft[43] ang ikalawa nitong bersyon ng Windows NT; ito ang Windows NT 3.5. Isa sa mga bagong kakayahan nito ay ang pagtatalaga ng mga mahahabang ngalang pantalaksan kung FAT ang ginagamit habang nagtatampok naman ito ng dagdag na bilis at katatagan, at mas kaunting pangangailangan sa alaala, at mayroong mas maliit na kodigo. Nagtatampok din ito ng mas malakas na suporta para sa paglalambat-lambat gamit ang TCP/IP[44], OpenGL[45] at OLE.[46]. Hindi kagaya ng mga naunang bersyon, hindi na ito nangangailangan pang manimula sa MS-DOS habang ang graphical user interface nito ay katulad na katulad ng sa Windows 3.1.[47]
Noong Mayo 30, 1995, inilabas ng Microsoft ang Windows NT 3.51[48] Sa lahat-lahat isa lamang itong pagpapabuti ng mga kagamitang matatagpuan na sa Windows NT 3.5 bagaman naglalaman ito ng ilang mga bagong kakayahan, kagaya ng pagpikpik ng datos sa NTFS. Ilan sa mga bago at/o inayos dito ay ang dagdag na suporta nito para sa 3D sa OpenGL, at pagsasaayos ng kamalian sa paghahati sa mga lumulutang na tuldok ng Pentium na processor ng Intel.[49] Bagaman dito, nagbunga naman ang mga pagsasaayos na ito sa hindi pagpapakita nang tama ng mga Koreanong titik sa mga programang ginawa para sa Windows NT 3.5; inayos ng Microsoft ang problemang ito sa isang libreng dagdag.[50]
- Silipin din: Windows 95, NT 4.0 at 98
Noong Agosto 24, 1995, naglabas nanaman ang Microsoft ng isang panibagong pantahanang operating system; ito ang Windows 95. Naging isang napakalaking hakbang ito sa pagpapabuti ng Windows lalo na sa bagung-bago at ibang-iba nitong graphical user interface na hindi pa nakikita at nagagamit sa alin mang naunang bersyon ng Windows.[52] Ilan sa mga pagbabago sa GUI nito ay ang kawalan nito ng Program Manager at File Manager na matatagpuan sa lahat ng naunang bersyon ng Windows. Sa halip nagtatampok ito ng isang bagong Start button at Windows Explorer. Karamihan sa mga pangunahing disenyong unang natagpuan sa Windows 95, kagaya ng Start Button at Taskbar, ay nakalakip pa rin sa mga pinakabagong bersyon ng Windows at maging ng karamihan sa mga bersyon ng Linux magpahanggang-ngayon. Bukod sa GUI nito, ilan sa mga makabagong aspeto nito ang kaunahan nito sa pagiging isang bersyong ganap at 32-bit na OS sa hanay na pantahanan ng Windows. Bagaman 32-bit na ito,[53] kaya pa rin nitong magpatakbo ng mga programang 16-bit. Sinusuportahan ng lahat ng mga bersyon ng Windows 95 ang FAT16 ngunit ang dalawang huling bersyon lamang nito ang sumusuporta sa parehong FAT16 at FAT32.[54] Ilan sa mga bagong kakayahan nito ay ang Plug and Play, mga suportang pangmidya, [55] suporta sa CD-ROM,[56][57] at pamimindot sa kanang buton ng mga mouse.[58]
Noong Agosto 26, 1996, inilabas ng Microsoft ang Windows NT 4.0. Itinatampok sa bersyong ito ang mas pinabuting mga kakayahang pampaglalambat-lambat, mas pinapayak na mga kagamitang pampamamahala, at mas pinalawak na suporta sa hardwer. Gumagamit ito ng GUIng kagayang-kagaya ng sa Windows 95.[59][60][61]. At kagaya ng mga naunang bersyon ng Windows NT, ito ay ginawa para sa mga tanggapan at serbidor. Isa itong matatag na OS[62] ngunit natakbo lamang ito sa mga kaugma ng IBM PC, PowerPC at iba pang mga arkitekturang RISC.[63]
Noong Hunyo 25, 1998,[64][65] inilabas ng Microsoft ang Windows 98, isang pantahanang OS na, kagaya ng Windows NT 4.0, gumagamit ng parehong GUI ng sa Windows 95. Ngunit hindi kagaya ng Windows 95 pareho nitong sinusuportahan ang FAT16 at FAT32.[66] Isa sa mga pinakamalaking pagsasaayos sa Windows 98 ay ang napakalawak nitong suporta para sa iba-ibang uri ng hardwer at software,[67] at dahil dito isinasabi pa nga ng ilan na ito ang OS na mayroong pinakamalawak na suporta sa lahat. Bukod sa malawakang suporta nito, ang isa pang malaking pagbabago nito ay ang malawakang paglalakip ng Internet Explorer at iba pang mga teknolohiyang pang-Internet sa mga kagamitan ng OS;[68] isa na roon ang Active Desktop. Ang iba pang mga pagbabago rito ay ang pagsasaayos ng mga problema ng Windows 95.[69]
Noong Mayo 5, 1999, bilang isang pagsasaayos at dagdag sa Windows 98 inilabas ng Microsoft ang Windows 98 SE.[70] Isa sa mga malalaking binago rito ay ang mas pinabuti nitong suporta sa USB, dagdag namang suporta para sa DVD, Pentium III, at paglutas ng problemang taong 2000.[71][72]
- Silipin din: Windows 2000, Me at XP
Noong Pebrero 17, 2000, inilabas ng Microsoft ang Windows 2000,[73] bagaman wala sa pangalan, isang bersyon ng Windows NT.[74] Ang Windows 2000, bago pa ito ilabas, ay sinalot ng mula 63,000 hanggang 65,000 mga bug; ito ay pinatunayan ng isang nakawalang ulat mula sa Microsoft mismo.[75][76][77][78] Kaya nga sa mismong araw ng pagkakalabas nito ay naglabas na rin kaagad ang Microsoft ng isang pag-aayos na makukuha sa Internet.[79] Bagaman dito, kagaya ng Windows 98 SE, malawak din ang suporta nito;[80] ito ay lalo na sa plataporma, kung saan pareho nitong sinusuportahan ang CISC at RISC, protokol, mga sistemang pantalaksan, at iba pang mga bagong teknolohiya, kagaya ng FireWire at infrared. Ang Windows 2000 din ang isa sa mga pinakamatatag na bersyon ng Windows, [81] at isa rin sa mga pinakamalaking pagbabago nito ay ang kaligtasan nito.[82][83][84]
Noong Setyembre 14, 2000, bilang huling bersyon ng Windows na batay sa arkitekturang 9x, inilabas ng Microsoft ang Windows Me.[88] Ayon sa Microsoft, nilalayon daw ng Windows Meng pagbutihin ang mga aspetong ng kompyuter sa kaligtasan, midya, Internet at pantahanang paglalambat-lambat,[89] at kaya naman, ayon din sa Microsoft, pinagbuti nila ang mga teknolohiyang ito para sa kabutihan ng mga ordinaryong manggagamit.[90][91][92] Sa kabaliktaran, ibang-iba ang sinasabi ng halos lahat ng mga nagsiyasat nito, at dahil din dito karaniwan ding itong ihinahambing sa Windows Vista, isa ring operating system na nakatanggap ng malawakang pangungutiya,[93] at itinuturing na "pinakamasamang OS magpakailanman" at iba pang mga bagay na kaugnay niyon.[94][95] Lahat ng pangungutiyang ito ay dahil daw sa palagiang pagpatay at kabagalan nito, at sa iba pang mga bagay.[96][97] Sa lahat-lahat, ang kakaunti lamang ang idinagdag sa Windows Me kaya kamukhang-kamukha pa rin nito ang Windows 98.[98]
Noong Oktubre 25, 2001, inilabas ng Microsoft ang Windows XP,[99][100][101][102] isang OS na batay sa Windows NT, ngunit hindi kagaya ng mga naunang bersyon ng Windows NT, itinatampok din ito para sa mga tahanan hindi lamang para sa mga tanggapan. Sa paglalabas ng Windows XP, nagsanib na ang dalawang dating hiwalay na mga hanay ng OS: ang Windows para sa mga tahanan, at Windows NT para sa mga tanggapan at serbidor.[103][104] Nagtatampok ang bersyong ito ng mararaming pagbabago. Isa na rito ang bago nitong makulay na graphical user interface, mga bagong bersyon ng mga nilalaman nito, mga bagong programa, kagaya ng Windows Movie Maker, at madaliang pagpapalit-palit ng mga manggagamit. Bagaman dito, malawak pa rin ang suporta nito para sa mga lumang software at hardwer.[105]
- Silipin din: Windows XP Media Center Edition, Server 2003 at Fundamentals for Legacy PCs
Bilang isang bagong edisyon ng Windows XP, inilabas ang Windows XP Media Center Edition 2002, isang edisyong batay sa Windows XP Professional, at naglalaman ng isang bagong graphical user interface[106] at Windows Media Center,[107][108][109] na pinapahintulutan ang panonood ng telebisyon sa gamit Internet na malawak ang banda sa kompyuter,[110][111][112] at mas mabuting pagsisinop ng mga bidyo, larawan at tugtugin.[113][114] Malawak din ang suporta nito; sinusuportahan nito ang mga hardwer ng Dell, Sony at HP.[115] Makukuha ang Windows XP Media Center Edition sa mararaming bersyon: tig-isa para sa mga taong 2002, 2003, 2004 at 2005; bawat isa sa kanila ay nagtatampok ng mga maliliit na paglilinis at pagbabago.[116]
Noong Marso 28, 2003, inilabas ng Microsoft ang Windows Server 2003, isang bagong bersyon ng Windows na para sa mga serbidor.[117][118] Gumagamit ito ng GUI ng Windows XP ngunit abo,[119] habang nagtatampok ito ng mas pinaigting na suporta sa mga malalaking sistema, kagaya ng pagkukumpul-kumpol, pagkakaroon ng pinabuting Active Directory,[120], suporta para sa Itanium, hanggang 512 GB ng alaala at 64 na processor, at mga serbisyong web, at pinaigting na kaligtasan sa pagdaragdag nito ng isang sariling firewall, mga bagong patakarang pansistema, pinababampribilehiyong IIS upang mabawasan ang bunga ng alin mang atake, mas mataas na katatagan, at iba pa.[121][122][123][124] Inilabas ito sa mararaming edisyon, at inilabasan ng mga service pack sa mga susunod na taon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kasaysayan ng Microsoft Windows
- Windows
- Vista Ultimate Naka-arkibo 2007-08-16 sa Wayback Machine.
- Microsoft
- Kasaysayan ng Windows Naka-arkibo 2008-04-12 sa Wayback Machine.
- Ano ang kasaysayan ng Microsoft Windows? Naka-arkibo 2008-06-13 sa Wayback Machine.
- Isang maikling kasaysayan ng panunuos
- Windows 1.0
- Windows Naka-arkibo 2005-11-25 sa Wayback Machine.
- Lunes ng Microsoft Naka-arkibo 2008-05-25 sa Wayback Machine.
- Microsoft
- Windows 2.x
- Oldfiles Naka-arkibo 2007-10-28 sa Wayback Machine.
- Windows 3.0
- Softstack
- Windows 98
- Computer Hope Naka-arkibo 2008-05-25 sa Wayback Machine.
- ↑ "Guidebookgallery". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-02. Nakuha noong 2008-05-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Register
- ↑ Computer Weekly
- ↑ "Oldos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-17. Nakuha noong 2008-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vista Ultimate". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-13. Nakuha noong 2008-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Apple vs. Microsoft". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-01. Nakuha noong 2008-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wired
- ↑ "Fortune City". Inarkibo mula sa orihinal noong 2001-06-16. Nakuha noong 2001-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Guidebookgallery". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-07-27. Nakuha noong 2008-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mark13". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-25. Nakuha noong 2008-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Mac Observer
- ↑ "Kasaysayan ng Microsoft". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-14. Nakuha noong 2008-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Windows 2.0". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-17. Nakuha noong 2008-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kasaysayan ng Microsoft Windows 3.0". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-28. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Windows 3.0". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-25. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ TechEncyclopedia[patay na link]
- ↑ Operating System na Windows 3.x
- ↑ "Computer Hope". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-04. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Microsoft[patay na link]
- ↑ Microsoft
- ↑ Windows 3.1
- ↑ "Coding Horror". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-23. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Penguin Pete". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-04. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Free Online Encyclopedia
- ↑ Windows 3.11
- ↑ Windows 3.1x
- ↑ "Yale". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-24. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Windows for Workgroups 3.xx
- ↑ Windows for Workgroups
- ↑ Microsoft
- ↑ "Kasaysayan ng Windows 3.1". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-18. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Windows for Workgroups 3.1x
- ↑ "ReactOS". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-15. Nakuha noong 2008-05-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ O' Reilly
- ↑ Windows NT 3.1
- ↑ Windows NT 3.1
- ↑ Windows NT 3.1
- ↑ Toasty Tech
- ↑ MSDN
- ↑ Microsoft
- ↑ Windows 3.2
- ↑ Mga Suliranin Pampatakarang Pangkaalamaan at Pangkaligtasang Pang-internet sa Republikang Popular ng Tsina[patay na link]
- ↑ "GuideBookGallery". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-03. Nakuha noong 2008-05-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Yale". Inarkibo mula sa orihinal noong 2000-02-29. Nakuha noong 2008-05-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Microsoft
- ↑ Windows NT 3.5
- ↑ Windows NT 3.5x
- ↑ Isang maikling kasaysayan ng panunuos
- ↑ Windows NT 3.5x
- ↑ Microsoft
- ↑ "Kasaysayan ng Microsoft laban sa Apple". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-28. Nakuha noong 2008-05-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Computer Hope
- ↑ Windows 95
- ↑ Suporta sa sistemang pantalaksan
- ↑ "Windows 95 (pagtanaw ng mga katangian)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-29. Nakuha noong 2008-05-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Paunang tingin sa Windows 95
- ↑ Windows 95
- ↑ "Computer Hope". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-02. Nakuha noong 2008-05-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2cpu". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-23. Nakuha noong 2008-05-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Windows NT 4.0
- ↑ "Guidebookgallery". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-04. Nakuha noong 2008-05-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Windows NT 4.0
- ↑ Windows NT 4.0
- ↑ Windows 98, ipinahayag na ilalabas sa Hunyo 25
- ↑ "Guidebookgallery". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-27. Nakuha noong 2008-05-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Suporta sa sistemang pantalaksan
- ↑ Windows 98
- ↑ Computer Hope
- ↑ "The OS Files". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-01. Nakuha noong 2008-05-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ CNet
- ↑ Bagong Windows 98
- ↑ "Microsoft". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-19. Nakuha noong 2008-05-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Guidebookgallery". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-17. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Opisyal na inilahad ng Microsoft ang Windows 2000". Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-12-07. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Slashdot
- ↑ Oops Web
- ↑ "Advogato". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-04. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CNN". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-09. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Microsoft
- ↑ Computer Hope
- ↑ Windows 2000
- ↑ Microsoft
- ↑ Windows 2000
- ↑ "Mga katangian ng Windows 2000". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-09-05. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ang bughaw na tabing ng kamatayan
- ↑ Bughaw na tabing ng kamatayan
- ↑ Computerhope
- ↑ "Guidebookgallery". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-10-04. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Microsoft
- ↑ The OS Files
- ↑ "Mga pagtanaw ng Bleinhem House — Microsoft". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-12. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Microsoft
- ↑ Windows Vista katumbas ng Windows Me
- ↑ "Pinapatunayan ng Windows Me na ito ang pinakamasama laban sa Vista at sa lahat pa ng iba". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-01. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Natalo ang Vista ng Me sa koronang pinakamasamang operating system". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-23. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ang Windows Me ang pinakamasamang operating system magpakailanman". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-02. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mga hinanakit sa Windows Me". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-16. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Windows Me
- ↑ Windows XP
- ↑ Internet News
- ↑ "PCWorld". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-16. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CNN". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-15. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Windows XP
- ↑ "OnePC". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-18. Nakuha noong 2008-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Windows XP
- ↑ Inilabas ng Microsoft ang Windows XP Media Center Edition
- ↑ "Windows XP Media Center Edition". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-22. Nakuha noong 2008-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ano ang Windows XP Media Center Edition 2002". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-15. Nakuha noong 2008-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ BBC
- ↑ Microsoft
- ↑ CNet
- ↑ The OS Files
- ↑ Microsoft
- ↑ WinSupersite
- ↑ Skull box
- ↑ "Anong bersyon ng Windows Media Center ang ginagamit ko?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-01. Nakuha noong 2008-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ CNet
- ↑ "Windows Server 2003 handa nang ilabas". Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-11-03. Nakuha noong 2005-11-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Toasty Tech
- ↑ "10 dahilan sa pagwiwindows Server 2003". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-21. Nakuha noong 2008-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The OS Files
- ↑ "Itreviews". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-02. Nakuha noong 2008-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Microsoft
- ↑ "Microsoft Windows Server 2003". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-30. Nakuha noong 2008-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)